Isang taon na….

Rain
Uncategorized

Isang taon na mula nung huli mo akong kinausap at sinabing hindi ako parte ng buhay mo. Napakasakit manggaling sayo ng mga salitang iyon, knowing i made you a part of my life and i gave up everything for you. Nasugatan ako ng mga sinabi mo.

Ang lagi kong tanong ko sa sarili ko ay bakit bakit bakit, bakit mo ginawa sakin yun. Lahat ng kaya kong ibigay, ibinigay ko. Yung kalayaan na hiningi mo, binigay ko kahit ang kapalit ay yung future ko at ng pamilya ko. Kinailangan kong dalhin mag isa ung bigat ng desisyon ko para lang maging masaya ka. Naisip mo ba yun. Hindi. Dahil halos ipamukha mo sakin na hindi ako parte ng buhay mo. Masakit kasi hanggang ngaun iniisip ko how worthless i am. Ganun lang pala ako kabilis igive up. Ganun kabilis itapon.

Hirap na hirap ako tanggapin lahat. Ikaw na pinagkaingatan ko at handa ipaglaban, nawala na. Yung trabaho ko kinailangan ko iwan para lNg maging okay yung paligid mo. Pero naisip mo ba yun? Hindi.

I am just wondering kung ano ba talaga ako sayo. Pinagparausan? Reliever nga lang ba ako?

Gusto ko lang ipaalala how you convinced me, na sabi mo okay lang ksi maiintindihan ng lahat, kasi mahal nila tayo. Na matatanggap nila. Pero ano, naipaglaban mo ba ako kahit konti?

Lahat ng salitang natanggap ko, hanggang ngayon hinihilom at sinusubukan kong kalimutan. It is haunting me alam mo ba yun.

Tanga ko lang eh, naniwala ako sa lahat ng sinabi mo, or pambobola lang lahat. Nagtiwala ako sayo. Pero ano ano na ngayon. Ako lang yung naiwan at ikaw patuloy na masayang nabubuhay.

Hanga ako sayo, sorry sa salitang to , pero yung kapal ng mukha mo, sagad. Oo, nagpapasalamat ako sayo para sa lahat, pero isang bagay ang hindi ko nasabi sayo. Salamat sa pagwasak mo sa puso at buong pagkatao ko.

Sa totoo lang, naiisip ko bakit parang ako lang yung nagbabayad ng kasalanan na ito? Hindi ba’t dalawa tayo pumasok sa sitwasyon na iyon? How dare you tell me to be happy when you are the one who caused all the pang and misery in my life?

How dare you lived when i almost died?
How dare you!

Gusto kitang isumpa, gusto kong ibuhos lahat ng galit ko.

Kaya siguro napakahirap sakin maglet go kasi hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko? Hindi ko man lang nasabi ung side ko? At bakit hindi ko nasabi? Dahil ulit sayo, dahil natatakot ako na mahirapan ka at lalo ka masaktN kung sabihin ko yung side ko.

You got away easily, right? Napakadali sayo ng lahat. While i had to suffer everything. Fuck you!
Yan sana gusto ko sabihin pero ano bang sinabi ko sayo, nagpasalamat pa ako sa lahat.

Hindi ko alam, pero one thing i want to say to you right now, at sana mabasa mo to, ANO MASAYA KA NA? MASAYA KA NA DI BA?

Gusto ko sana sabihin na makukuha mo din yung deserve mo sa laht bg ginawa mo pero wag na, ipagdadasal ko na lang sa Diyos na bigyan ka nya ng lakas pa ng loob, dahil naniniwala ko na God will both teach us lesson.

I learned mine, i hope you learned and got yours too.

Gender: F

Share this story
avatar
5000
  Subscribe  
Notify of