Last

Serene
Uncategorized

Malapit na mag 2 years. Alam kong naka move on na ako. Pero feeling ko lang na may natitira pang pain sakin mula nung nangyare yon. Di ko alam pano ihahandle yung nararamdaman ko kase di na pamilyar sakin tong sakit na to. Kase nga alam kong nakalimutan ko na, napatawad ko na siya.

In good terms naman kame ng ex ko, chinat ko siya. Nag open ako ng nararamdaman ko na akala niya about sa ibang tao. Nag offer siya na mag ppretend siyang siya yung taong gusto kong kausapin para naman daw alam ko na kung ano sasabihin. Di niya alam siya naman yon.

Nag message siya sakin na mahaba, perspective daw nung gusto kong kausapin na tao.

“pasensya kana at pakikinig lang ang tangi kong nagawa sa mga nararamdaman mo. di ko rin naman pde sabihin na ipasa mo nlng saken kse ako naman gumawa ng pain na yon. pero naiintindihan ko kung bt ang hirap din itapon lahat kase gstuhin mo man na itapon di mo rin naman mppilit sarili mo na di masaktan kse grabe ung pinagdaanan at ginawa ko sayo. kaya naiintindihan kita. sana dumating yung araw na kahit maisip mo man yon e wala kanang maramdaman kahit kurot o kahit na ano na ttawanan mo lang kase deserve mo ung pagkakataon na yon. salamat din. di na ako mangungulet. kung maisip man kita ulit di ko nlng ppansinin, di naman sa di ko tinanaw o parang itinuring ka na kaibigan ka pero para sa ikatatahimik mo nlng din kase sguro ganon talaga kapagka nakita mo ko or makausap moko maalala mo lg na nasaktan kita na parang ang unfair sayo kase nag uusap tayo na parang okay walang ngyare na parang nakagago. inooverthink ko ba? pero feeling ko lang feeler ako hahahahahahahha pero de seryoso kung ano man gusto mo manyare okay lang para sau yan at deserve mo den.”

Yan sabi niya. Iyak ako ng iyak hahahahahaha. Those were the words i wanted to read eh. It came from the person den na dahilan ng pagiging uneasy ko lately.

Yeyyy hahaha wala na kony choice kundi magmove on ng tuluyan, di niya ata alam sa kaniya ako makikipag cut ties. Sorry. Need ko lang mag heal hehehe. Sana maging masaya ka. Kahit isumpa kita, in the end kasiyahan mo ang hiling ko. Ingat ka.

Gender: F

Share this story
avatar
5000
  Subscribe  
Notify of