emotional ako, emotionless ka

KC
Uncategorized

i give unlimited chances. i always believe in the best of people. never ako gumi-give up. always trying my hardest, always giving my best. kahit na sobra na ginawa, pinapatawad ko kasi in my heart of hearts, alam ko di siya ganung tao. andaming instances na iniisip ko, di ko naman deserve to. marami pa naman dyan. pero naiisip ko lang, di ako gigive up. wala naman masama na paniwalaan mo ang tao diba.

bawat away, kahit sino may mali, ako yung sumusuyo. pag nasa bad place, madali nya ako sukuan. papakita at paparamdam nya sakin na wala lang ako sa buhay nya. pag iiyak ako habang nakikipag ayos, madidismaya sya. papagalitan ako. “eto nanaman ako sa mga luha ko”. kaya kahit alam ko dapat worth ko, kahit na alam ko wala namang mali sa pag iyak, napapa isip ako… “may karapatan ba akong umiyak? may halaga pa ba ako?”. hirap kasi na yung taong mahal mo na mismo yung nagpapakita sayo na worthless ka ee. ang hirap bumangon. ang hirap tanggapin na yung taong napakabigat ng worth sa buhay mo, ee kinakaya kaya ka lang. andyan lang pag masaya pero pag bad times, nagdadalawang isip na. yung pag cold, wala talagang paki. sobrang unfair. ang sakit sa puso.

akala ko malakas ako. andami ko na kasing napagdaanan. sumuko nako sa buhay ko years back and when i eventually got better, sabi ko ill never allow anything that can make me feel like im worthless again. kasi malakas na ako. binuo ko sarili ko. ang hirap. pero bat andali dali lang matibag ng ibang tao yung pinaghirapan mong buoin. i dont know what to do. bakit kahit anong subok ko, kahit anong buhos ko, never ako inappreciate enough to actually hold on to. am i asking for too much to be treated properly?

takot ako magsabi ng nararamdaman ko kasi kabisado ko na sya ee. ngayong in the middle kami ng bad times, sasabihin nya, di ba ako titigil. wala bang pahinga sa away. ano nanamang problema ko. kakatapos lang ng away, may bago nanaman akong sasabihin. pero pag sa good times ko naman sinabi, same thing. maglelead sa away. san namaman nang galing to. ang saya saya namin bakit bigla kong ibbring up to.

di ko na alam san ako lulugar. feeling ko bawal ako umiyak, makaramdam, pumuna. feeling ko lagi akong mali. feeling ko kulang na kulang pa effort na binubuhos ko. mahal ko siya. sobra. pero mahal ko din sarili ko. di ko na alam gagawin ko.

Gender: Female

Share this story
avatar
5000
  Subscribe  
Notify of