Blurry

MRL
Uncategorized

Pinipilit kong ngumiti sa kabila ng lungkot na nadarama, pinigilang pumatak ang luha sa bawat minutong naiisip siya.
Ni minsan wala sa hinagip ko na mararanasan ko ang ganitong lungkot dahil sa pag ibig. Alam kong di puro saya but I never thought na ganito ka sakit when you actually feel it. I maybe underestimated the pain that love is capable of, and overrated just the happiness it may bring.
Ang proseso nga ba ng pagmamahal ay isa ring doble kara? Kambal na lungkot at saya? Ngiti at luha? Sakit at tuwa? Kambal na parehong di maipaliwanag kung bakit ka masaya, basta masaya ka tuwing kasama siya, masaya kana sa simpleng mensaheng matatanggap mula sa kanya, ang mga dating pangkaraniwang araw ay nagiging makulay dahil sa kanya, napapangiti ka ng bigla with the thought of you have him. Na tanggap mo siya regardless of what you don’t like about him. Na sigurado ka na sa sarili mong pag ibig ang iyong nararamdaman para sa kanya.
At minsan din because of your connection with him masasaktan ka, minsan maiisip mong it’s all about you, it’s all about knowing your self worth, at minsan sasabihing mong hindi mo maintindihan ang sarili mo, na di magkasundo ang puso’t isip mo, na andaming imperfections, na bulag ka, na di mo na naiisip ang sarili mong halaga, na nagpapakatanga ka na.
And this time, doubts hits me so hard. At sa kabila ng lahat ng pagdududa mahal ko siya.

Gender: -F

Share this story
avatar
5000
  Subscribe  
Notify of