Sana alam mong mahal kita

Jeh
Featured Uncategorized

Nakilala kita nung 2009, sa tuwing nagpapacheck up ang mother ko sayo, ako ay napapahanga mo. Yung pakiramdam na natutulala ako dahil sa galing mo. Nuon palang alam kong gusto na kita pero wala pa akong magagawa. College palang ako nun. Samantalang ikaw ay isang Doctor na. Lumipas ang madaming taon palagi kong pinanghahawakan na ikaw ang gusto ko, ikaw ang ideal partner para sa akin. October 2018 nakasalubong kita sa UST main hospital 2nd floor malapit sa ICU. Natulala ako at nasabi ko na lang sa sarili ko na gusto pa din kita. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo. April 2019 naadmit ang mother ko sa UST. Nung panahon na yun chemo ng father ko at di ko na alam gagawin ko dahil magisa ako. Tinulungan mo ako kahit hindi mo naman ito responsibilidad bilang Doctor ng mother ko. At sa pag daan ng mga araw, alam ko sa sarili ko na hindi na kita gusto kasi mahal na kita. Ito yung pagmamahal na walang dahilan, yung pagmamahal na hindi nanghihingi ng kapalit. Sigurado akong mahal kita. Pero hanggang ngayon hindi ko pa din masabi sayo. Araw araw gusto kong magmessage sayo at sabihin na sana alam mong mahal kita. Mahal na mahal kita. Umaasa ako na in God’s perfect time masabi ko at maiparamdam ko sayo na mahal kita.
Mahal na mahal kita doc.

Gender: Female

Share this story
avatar
5000
  Subscribe  
Notify of