I FOUND MYSELF BACK. I FOUND THE BETTER ME.

Maria
Featured Uncategorized

Apat na buwan na ang nakalipas simula ng mawala ako. Hindi pumapasok, lutang sa klase, bumabagsak sa quiz at exam at ang ending kailangan ko ire- take ang subject na ‘yon. Nakalimutan ko ang sarili ko dahil sa sakit na naramdaman ko sa’yo. Hindi ko magawang mag focus sa class dahil naiisip ko lahat lahat. Sinusubukan kong bumangon araw- araw sa sakit na naramdaman ko. Oo, gigising akong may bigat na nararamdaman habang ikaw masaya na hindi ko alam kung sumagi ba ako sa isip mo kahit minsan. Minsan mas gugustuhin ko nalang matulog ng matulog para makatakas sa sakit at bigat na nararamdaman. Minsan sa kakaiyak ko nakakatulog nalang ako. Tumatawa kasama ang mga kaibigan pero pag naiwan na ako sa isang sulok andiyan nanaman mga kirot sa puso ko at mga larawang naglalaro sa aking isipan kapag ako’y napapapikit. Hanggang isang araw binuhos ko sa sarili ko. Gumawa ako ng paraan para makatakas. Nag exercise kase nasaktan, hininto o hindi gaano nakapag sulat ng tula at binaling sa iba ang atensyon. Nandiyan ka pa, kasama siya habang ako heto nasasaktan at bumabangon, masakit sobrang sakit. Sinubukan kong ayusin at h’wag putulin ang mayroon tayo dahil ito nalang ang tanging paraan para manatili ka sa aking buhay. Ang T*ng* ko ba sa parte na ‘yon? Naging magulo lang ang lahat, lumala at mas lalo akong nawala. At dumating sa punto na hindi ko na kilala ang sarili ko. Nawala ako dahil sa pagmamahal ko sa’yo, nawala ako dahil sa sakit na naramdaman ko dahil sa’yo. Hanggang napagod na akong gumising araw- araw na may bigat na nararamdaman at makatulog kakaiyak. Hinanap ko ang sarili kong nawala ko, inumpisahan ko sa pag fo-focus sa pag- aaral ko. Sa una hindi madali dahil sa mga naiisip at parang may kulang. Unti- unti kong tinatanggap ang mga nangyayari kahit sobrang sakit alam ko namang bawat sakit na ‘to may kapalit sa dulo. Nilaan ko ang oras ko sa pag- aaral, sa mga kaibigan at sa sarili ko. Pinakawalan ko ang sarili ko mula sa pagkaka- kulong sa’yo. Para akong bata na sinusubukan mag lakad mag- isa. Ibinigay ko lahat lahat sa Diyos. At heto ako ngayon masaya, gumigising sa araw- araw na wala ng bigat na dinadala at nakakatulog nalang dahil sa pagod sa mag hapon. Totoo nga kapag nakalaya ka sa isang bagay o sa isang tao gagaan lahat. Unti unti mawawala ang sakit at mapapalitan lahat ‘to ng kasiyahan. At masasabi kong I found myself back. Bumalik ako sa pagiging masiyahin at determinado sa lahat ng bagay. May mga pagba-bago din na nangyari at ‘yon ay ang pagiging matapang at malakas sa lahat ng bagay. Kung tatanungin ako kung ano ang natutunan ko sa lahat ang masasabi ko nalang ay natutunan ko na kakayanin ko kahit wala siya. Na kapag alam ko ng unti- unti na akong nawawasak kailangan ko ng palayain ang sarili ko mula sa bagay o tao na ‘yon. At higit sa lahat ang piliin at mahalin ang sarili. Walang halong pagsi- sisi dahil sa’yo nakilala ko pa ang sarili ko at nahanap ko pa ang iba kong kakayahan. Dahil sa’yo, dahil sa sakit na naramdaman ko sa’yo nahubog ko ang sarili ko. Kaya salamat, maraming salamat sa sakit na naidulot mo. Hinding hindi ko mararating ‘to kung hindi dahil sa’yo. They we’re right na “choice” ko na lahat ng bagay. Choice ko kung ipagpapatuloy ko ang pagiging tanga o papalayain ko ang sarili ko. Kaya salamat dahil sa sakit I found myself back. I found a better me after everything.

Gender: Female

Share this story
avatar
5000
  Subscribe  
Notify of