Love in a teacup

The 8:30 Girl
Featured Uncategorized

Ang sabi ni bro, I would meet someone by a certain age, and kung hindi mag-work-out, hindi na talaga ako makakapag-asawa.
I’m actually okay with my singlehood. I’m happy with the kind of life I have, until I met you. Suddenly I had these images na may kausap ako tuwing pagtapos manood ng sine, o tatawagan kita sa cellphone just because may naalala akong nakakatawang kwento, o Viviber kita ng mga cute sticker dahil wala lang. And I liked it. I liked the idea of having someone special to share my life with.

Pero hindi ko alam if you feel the same. Hindi ako sigurado kung totoo ba o nade-delusional lang ako. Ako nga lang ba ang may nararamdaman na kakaiba tuwing nagkakausap tayo? Alam mo ba kung paano ako nag-alala nung nawala ka ng mahigit isang buwan?
Kahit gaano katapang ang tingin ko sa sarili ko, hindi ko maiwasan isipin, baka nga hindi pwede. Baka hindi totoo, baka ako lang talaga ang nag-a-assume mag-isa.

Pero kahit hindi tayo, hinding-hindi sasama ang loob ko sa ‘yo. I am grateful that you came my way at this point in my life, kung kailan tapos na ang bagyo sa buhay ko, kung kailan nabuo ko na ulit ang puso ko, kung kailan napatawad ko na ang sarili ko. I deserve to feel the kilig, the fleeting happiness, the romance kahit it’s just happening all in my head.
You are my hindi in-expect pero dumating pa kahit late na.
At kung hindi man pareho ang nararamdaman mo para sa akin,
sana malaman mo na somewhere in the universe there’s this unspoken love that exists just for you.

Gender: Female

Share this story
avatar
5000
1 Comment threads
0 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
1 Comment authors
Mark Russel Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Mark Russel
Guest
Mark Russel

“If you love someone and they don’t know take a chance and tell them so.”